-----------------------------------------------------------------------------------------------
Magkalayo man kami, malapit pa rin kami sa isa’t isa
by Maria Caridad H. Tarroja, PhD
Clinical Psychologist, De La Salle University-Manila / PsychConsult, Inc.
Simula’t sapul, ang pamilyang Filipino ay hinahangaan dahil sa pagiging malapit ng bawat miyembro ng pamilya sa isa’t isa (“close family ties”). May mga pagkakataong ang katangiang ito ay kina-iingitan ng mga dayuhan. Sa paglipas ng panahon, sa gitna ng maraming pagbabago sa buong mundo at sa Pilipinas, ang pagpapahalaga ng mga Filipino sa kanilang pamilya ay hindi nawawala. Nananatili ang pagpapahalaga sa pamilyang Filipino sa kabila ng maraming balakid at hamon na hinaharap ng bawat pamilya. Ang pagkakaroon ng OFW sa isang pamilya, magulang man o anak o kapatid, ay isang halimbawa ng hamong kinakaharap ng maraming pamilyang Filipino.
Tunay ngang ang mga OFW ay ang mga bagong bayani ng Pilipinas. Ipinagmamalaki sila ng buong bansa at higit sa lahat ng kanilang pamilyang naiwanan, partikular na ng kanilang mga anak. Pero silang mga anak rin ang nangungulila sa kanilang mga magulang na napakalayo … nangungulila sila sa tuwing sila’y magkakasakit at nagnanasang sana, narito si Nanay para mag-alaga sa akin. Nangungulila ang mga anak na ito tuwing sila ay may activities at programs sa eskwelahan. Higit sa lahat, nangungulila sila sa tuwing sasapit ang espesyal na okasyon tulad ng Christams, birthdays, graduations at iba pang mga mahahalagang bahagi ng kanilang buhay. Bukod sa pangngulila, marami sa mga anak ng OFW ang lumalayo ang damdamin sa kanilang OFW na magulang. Halimbawa na lamang, ang iba ay nagsasabi na “Parang hindi kami close” o kaya naman “hindi nya ako kilala at parang hindi ko na sya kilala”. Ang iba ay nagnanasa na sana “Hindi nya kami iniwan”. Marami rin naman sa mga anak ng OFW ang nagkaroon ng maganda at malapit na relasyon sa kanilang OFW na magulang. Ano nga ba ang iba’t ibang paraan para maging malapit ang anak ng OFW sa kanyang magulang? Ang pagpapanatili ng komunikasyon ay isang paraan para maging malapit ang anak sa magulang, kasama mo man o malayo sa tabi ang magulang. Para sa mga anak na nagnanais na mapalapit sa malayong magulang, ano ang kanilang pwedeng gawin? Ang maikling listahan sa ibaba ay ilan lamang sa mga pamamaraan ng pakikipag-usap sa OFW na magulang:
• Emails, YMs, Bloggings: Iba na ang panahon ngayon. Maaari ng makipag-usap ang anak sa magulang na nasa ibang bansa sa pamamagitan ng bagong teknolohiya. Ito ay murang paraan na mapanitili ang komunikasyon. Ang bawat kwento (school events, new friends, new hobbies, even worries and problems) ng anak ay mahalaga at kinasasabikan ng magulang. Ang isang pamilya ay maaring magkaroon ng sarili nilang blogs o kaya website. Napakadali na ring magpadala ng pictures sa email man, blogs, at kung anu-anong mutiply accounts, friendster, face book at iba pa. Maari ring makipag-usap sa pamamagitan ng web cam.
• Texts: Ang Pilipinas ay nabansagang text capital of the world. A simple text message (Good morning Mom; I hope you are ok Dad; I love you Mama; Ingat po kayo palagi dyan; Miss ko na po kayo) can certainly make a lonely and tired parent working abroad smile.
• Phone calls: Of course, there is nothing like hearing your parent’s voice or speaking to your parents over the phone. This old traditional way works all the time. Setting a regular time a week can spell a lot of difference in keeping that bond stronger.
• Letters, postcards: Hindi man ginagawa ng marami sa ngayon, ang pagpapadala ng letter o postcard paminsan-minsan pag may espesyal na okasyon ay makapagpapataba pa rin ng puso ng nalulungkot at nagungulilang OFW.
• Audio and video tapes: Ang pagpapadala ng audio at video tapes ay mahalaga rin. Kadalasan pag kinakausap ng anak ang OFW na magulang, ito ay nakasentro sa paghingi ng kung anu-anong pangangailangan, lalo na sa pera. Sa totoo lang, maaari kausapin ang mga magulang para magkwento ng kung anu-ano. Video tapes of school activities, birthday celebrations, graduations can be sent to OFW parents. These tapes can be watched over and over again.
• Vacations: Importante din na sa pagdalaw o pagbaksayon ng magulang na magkaroon ng reunion o family vacations. Ang bakasyong ito ay pinaghahandaan. Maaring makibahagi ang anak sa pagpaplano ng bakasyon na ito, e.g., where to go, what to do and bring, etc.
Anumang paraan ang gamitin, importante na mapanitli ng magulang at anak ang pagiging malapit sa isa’t isa sa kabila ng kanilang pagkalayo.
We invite children of OFW to share with us how they stay in touch and maintain their relationships with the parents working abroad.
----------------
Ask questions, share your thoughts, feelings and experiences. Click on "Magtanong Sa Psychologist" or "Magtanong Sa Doktor". Submit your comments and questions on this article by clicking on the word "comments" just below. Stay in touch!
Hindi ka Nag-iisa. One. Filipino. Never Alone.
Return to main site: www.ofwparasapamilya.com
----------------
Sunday, October 11, 2009
Thursday, May 28, 2009
Pagpili ng Kurso sa Kolehiyo: Sariling Pangarap o Pagtulong sa Pamilya
----------------------------------------------------------------------------------------------- Sariling Pangarap o Pagtulong sa Pamilya
By Sandra C. Ebrada, MA
Psychologist, PsychConsult Inc.
Malapit na ang pasukan. Huling hirit na ng mga kabataan para magbulakbol sa bakasyon dahil maaabala na sila sa paghahanda para sa pasukan. Nandiyan na rin ang mga magulang sa paghanap ng pambayad sa eskwelahan.
Sa karamihan ng mga magkokolehiyo, ito ang pagkakataon na matagal-tagal nang inaasam—ang makapag-aral ng kursong gusto upang matupad ang ambisyon o pangarap sa buhay—guro, arkitekto, inhinyero, abogado, entrepreneur, atbp. Sa karamihan, natutupad nila ang pangarap nila. Ngunit para sa iba, hindi ganoon kadaling makapag-aral. Dahil sa gipit sa pera, pumipili na lang ang estudyante ng kursong madaling hanapan ng trabaho o kaya ang mga magulang ang pumipili ng kurso para sa anak. Pinipili nila ang kurso na malaki ang sahod para makatulong naman si Ate o Kuya sa pamilya.
Ito ang kwento ni Mario: “Second year na ako sa nursing. Kaya ako nag-nursing kasi yun ang gusto ng mga magulang ko para sa akin. Kasi kailangan daw akong makapagtrabaho kaagad para ako naman ang magpapaaral sa mga kapatid ko. Hirap akong pumasok sa klase. Kahit pumapasa ako, hindi ko naman talaga gusto ang kursong ito. Mas gusto ko arkitekto. Pero sabi ni Tatay mas mabuti ang nurse kasi kailangan sa abroad at malaki ang kita kaagad. Ang arkiteko hindi mabilis ang kita doon. Totoo nga rin dahil kailangan talagang tulungan ang aking pamilya. Okay lang naman sa akin na tumulong kaya tinitiis ko na lang. Pero hindi ko alam kung kailan ako makakatagal sa nursing. Wala akong ganang pumasok.”
Ito naman ang kwento ni Don: “Sinabihan na ako ni Nanay nung high school pa lang na kailangan kong tumulong para paaralin ang aking kapatid. Okay lang naman sa akin ang tumulong pero hinayaan pa rin ako ni Nanay na pumili ng kursong gusto ko. So tinapos ko ang Information Systems o Computers. Pagka-graduate, nakahanap ako ng trabaho sa Makati. Upang makatipid, nag-share kami ng isang apartment kasama mga ka-trabaho. Doon lang ako sa banig natutulog at sa umaga, nililigpit para maka-daan kami. Ang liit kasi ng tirahan namin. Kailangan magtipid dahil nagpapadala ako ng pera sa nanay ko sa probinsya. Nakapag-abroad din ako at yun, mas malaki na ang napapadala para sa kapatid. Buti na lang at mabait si Junior at tinapos rin niya ang pag-aaral niya. Nung nakapag-graduate na siya, akala ko libre na ako sa aking obligasyon. Pero gusto pa ng aking ina na ipa-renovate ang bahay kaya naglabas ulit ako ng pera. Matagal-tagal din bago ako naka-ipon ng sarili kong pera. Pero okay lang dahil nakikita kong masaya si Nanay at nakahanap ng magandang trabaho si Junior. Ako naman, enjoy rin sa pagta-trabaho dahil ito ang talaga gusto kong pasukin—computers. At alam ko rin na temporary lang naman ang arrangement na ito at matutupad ko rin ang iba kong pangarap. Sa pagdaan ng mga taon, nakapagtrabaho na rin ang mga kapatid ko, maganda na rin ang bahay ni nanay at nakahanap rin ako ng mas magandang trabaho,. Dito na akong mag-isip na mag-asawa. Ngayon, isa na ang anak ko. Ang cute-cute niya. Ganda rin ni misis syempre.”
Kung ihahambing natin ang mga karanasan ni Mario at Don, pareho silang problema ngunit magkaiba ang kanilang pagtingin sa problema. Para kay Mario, nais niyang tumulong sa pamilya ngunit mabigat ang loob niyang pumapasok sa kursong hindi niya gusto. Para naman kay Don, magaan ang loob niyang tumulong sa pamilya dahil masaya siya sa kanyang pag-aaral sa kolehiyo at doon siya sa trabahong interesado siya. Alam din niya na ang pagtulong niya sa pamilya ay pansamantala lamang at matutupad pa rin niya ang kanyang mga sariling pangarap sa buhay.
Ito ang isa sa mga pagsubok na hinaharap ngayon ng mga kabataan—matutupad ba nila ang kanilang pangarap sa buhay o kailangan ba talagang isantabi ito alang-alang sa pamilya? Para sa iba na kagaya ni Mario, minsan hindi sila nakakatapos at hindi na rin makapaghanap ng trabaho. Para sa iba, tinitiis talaga hanggang sa makatapos at makahanap ng trabaho para tulungan ang pamilya. Magaling nga sa trabaho, nakakatulong sa pamilya ngunit hindi masaya at mabigat ang kalooban. At para naman sa iba pa, natutupad nila ang kanilang pangarap habang tinutulungan ang pamilya.
Siguro para sa mga OFW na anak na nasa ganitong situwasyon, minsan parang napakalaking responsibilidad ang tulungan ang pamilya at pinagdududahan tuloy ang sariling kakayahan. Ngunit maaaring makahanap ng balanse sa pagtupad sa sariling pangarap at sa pagtulong sa pamilya. Maaaring pagnilay-nilayan ang mga patnubay sa ibaba:
1. Linawin sa mga magulang kung ano talaga ang inaasahan nila sa iyo na tulong—pera, gawaing bahay, atbp. Kung maaari, alamin kung gaano katagal ang pagtulong sa pamilya. Halimbawa, sa susunod na apat na taon ang pagtulong mo sa kapatid hanggang sa makatapos siya sa kolehiyo.
2. Ibahagi sa mga magulang ang sarili mong mga pangarap. Pag-aralan din kung anu-ano ang mga trabahong pwedeng pasukan sa kursong ito. Alamin kung paano ito makakatulong sa pamilya.
3. Maaaring isipin na pansamantala lamang ang paglalakbay na ito. Sa huli, matutupad mo rin ang iyong sariling pangarap. Bukod pa riyan, magagalak ang kalooban mo dahil nakatulong ka sa pamilya mo.
---------------
What do you think of this article? Click on the word "comments" just below. Ask questions. Click on Magtanong sa Doktor or Magtanong sa Psychologist. Share your thoughts, feelings and experiences. Stay in touch!
Click here to set an appointment with the psychologists and doctors on our website.
Click to return to website: www.ofwparasapamilya.com

Thursday, February 26, 2009
Ang Padala ng Magulang na OFW sa Panahon ng Global Economic Crisis
-----------------------------------------------------------------------------------------------
How You, as a Child, Can Still Help Fulfill Your Family's Dreams
When your father or mother left to work abroad, you may have been very sad about this. Sinabi siguro nila na ginagawa nila ito parang makatuloy ka sa iyong pag-aaral, parang magkaroon na kayo ng iba’t ibang mga kailangan ninyo, at upang makapagpatayo na kayo ng inyong sariling tahanan. Naintindihan mo ito, nguni’t malungkot ka pa rin.
Nang nasa abroad na ang nanay o tatay mo, nakita mo na mayroong perang pinapadala ito buwan buwan. Naintindihan mo na ang ibig sabihin ng “padala”. Nakita mo na marami nang nabibili at nagagawa ang pamilya mo dahil dito sa padala ng nanay o tatay mo. Marami ka ring mga laruan o kagamitan na gustong ipabili. Siguro, nabibigyan ka rin ng mas malaking pabaon.
Naiintidihan mo siguro na ito ay pagkakataon na parang matupad ang mga mithiin ninyong mag-anak. Nakikita mo ang paghihirap na dinadaanan ng nanay o tatay mo para lang makamtan ninyo ang mas mabuting kinabukasan.
However, sometimes, you tend to forget these dreams and the hardships your mother or father are going through. You get carried away with spending the money they send you for things like clothes, DVDs, cell phone etc. If you want to help your parents fulfill the dreams they have for you and your family, you actually can, in your own special little way.
Ngayon sa kalagayan ng economia ng mundo--na maraming tao ang nawawalan ng trabaho--mas importanteng isipin ng masinsinan kung papano kayo makakatulong sa inyong mga magulang. Kailangan ring isipin at ihanda ang sarili "just in case" mawalaan ng trabaho ang inyong magulang.
Sumali kayo sa usapan ng pamilya, mag bigay kayo ng mga paraan na makakatulong sa pag-iimpok ng padala. Huwag ninyong isipin na "maliit lang naman ang maitutulong ko", sapagka't sa mahirap na panahon, "every little bit counts". Think of ways to make your own allowance stretch. Siguro kailangan gumawa ng listahan ng mga pangungunang kailangan (priorities), katulad ng pamasahe papuntang eskwelahan, mga kailangan sa eskuwela at bigyan ito ng priority. Yung ibang mga kinasanayan katulad ng pag-kain sa labas o magshopping sa mall kasama ng mga kaibigan ay maaring iwasan na muna.
Sa paraan na ito, maipapakita sa mga magulang ninyo na naiintindihan ninyo ang situasyon. Mararamdaman rin nila na kasama kayo sa paghabol at pagpapatupad ng mga mithiin ninyong pamilya.

Friday, January 30, 2009
Texting and Messaging
---------------------------------------------------------------------------------------------
Panibagong Pahatiran Sa Inyong Magulang na OFW
(New ways of communicating with your OFW parents)

Ang pag-uusap ng mag-ina o mag-ama ay madalang nagiging “one way street” lamang. Maslalo na kung nag-uusap sa telefono at nasa abroad ang magulang. Mayroong mga anak ng OFW na nagsasabi na hindi na raw sila naeenganyong makipagsalita sa kanilang magulang sapagka’t pare-pareho na lang ang kanilang pinag-uusapan. Puro na lang tanong ng magulang at ang papel daw nilang mga anak ay sumagot na lang ng “opo”. Nahihirapan daw silang mag tanong sapagka’t kailangan nila ng “bwelo” bago makapagumpisa ng usapan na gusto nilang mangyari. Nguni’t pagka nakabwelo na sila, tapos na ang opportunidad at nag papaalam na silang mag-anak.
Para sa mga batang mapalad na mayroong ama o inang nakakausap ng harapan, mahirap pa rin simulan ang gusto nilang pag-usapan. Unang una, mayroon ditong kaunting kahinaan ng loob, maslalo na kung ang gustong pag-usapan ay isang temang alanganin. Many teen-agers have commented that when they attempt to talk to their father or mother about, for example, a “crush”, nahahalata nila agad ang pagbabago ng espresyon ng mukha ng kanilang magulang. Sabi ng isa, “nangangasim ang mukha ng tatay!” Pag-nakita na ito, hindi na matutuloy ang usapan.
Makakatulong ba kaya ang texting at messaging sa mga kabataan sa pakikipagusap nila sa kanilang mga magulang? May mga sikolohistang Americanong naniniwala na ang kumunikasyon ng anak sa kanyang mga magulang ay natutulungan ng “electronic messaging” sapagkat ito daw ay nakakatulong gibain ang ilan sa mga hadlang nang kumunikasyon na ito.

Kabisado ng kabataan ngayon ang takbo ng texting at messaging. Pwede nating sabihin na teritoryo ito ninyong mga kabataan. Dahil dito, maginhawa kayo sa paggamit at pagpalakad ng teknolohiyang ito. This is your environment, so it is easier for you to take the lead, maybe talk about things you could never talk about face-to-face with your parents . Isa sa mga advantages ng texting at messaging ay hindi ninyo makikitang nangangasim na ang mukha ng tatay ninyo. Dahil dito mapapatuloy ninyo ang gusto ninyong sabihin.
Maraming ring kayong napapagusapan ng masinsinan sa inyong mga kaibigan o maski hindi kilala, kung madalas kayo mag-chat sa internet. Maraming masasabi sa chat na sa pangkaraniwan hindi ninyo masasabi pag nakaharap ang kausap. Itong pagiging, ika nga anonimo, ay isa sa mga pinakamalakas na rason bakit naaakit ang mga teenager at marami pang iba, sa world wide web. Gamitin ninyo itong opportunidad na ito, na magsalita galing sa inyong "comfort zone", upang maki pag-usap na masinsinan sa inyong mga magulang, lalo na kung sila ay malayo sa inyo.
Mayroon pang ibang pakikinabang ang electronic messaging. Sa pag chat over the internet, may control din kayo, kasi kung hindi ninyo gusto ang takbo ng tanong o usapan, maari ninyong palipasan ng panahon bago sagutin o ipatuloy. Sa ganitong paraan naiiwasan ang pagiging over emotional, at dahil dito, naiiwasan ang paglusong ng usapan sa away. Sa texting at messaging, maski “instant” ang tawag dito, sa katutuhanan ay may panahon kayong mag-buo at mag-ayos nang gusto ninyong sabihin. Sa ganitong paraan, makaka-iwas kayo ng mga salitang nakakasakit, mga salitang hindi mababawi pag-nasabi na.
Siyempre mayroon ding pagkulang at piligro ang “cyber communication” (pag-uusapan natin ito sa darating na panahon), nguni’t malaki ang tulong nito parang maumpisahan ang usapan ninyong mag-ama o mag-ina. At kung naumpisahan na ninyo ito, baka gulatin kayo ng inyong mga magulang at pahaba ng pahaba ang pag-uusap ninyo. Baka maging “texting buddies” and “online friends” na kayo!

Wednesday, June 11, 2008
--------------------------------------------------------------------------------------------
“Ito ang Nanay Mo”
Maraming OFW ang nagsasabi na ang celfone ay nakakatulong sa kanila na makipag-alam o mag-connect sa kanilang mga anak. Madalas raw nilang tinatawagan ang kanilang mga anak. Ang iba naman ay nagsasbi na, “araw araw kaming nag-uusap.” Masayang masaya sila, sapagka’t “nakaka connect” sila maski na malayo sila. Para sa kanila, malaking tulong ang celfone sa pagiging magulang nila.
Nguni’t, maraming Anak ng OFW naman ay nagsasabi na hindi na sila naeenganyong makipagusap sa kanilang mga magulang sa celfone, kapag tumawag ito ng galing sa ibang bansa.
Sa mga workshop na para sa mga anak ng OFW na ginagawa ng Migrante Anak at Pamilya Foundation, maraming mga batang nagsabi na ang dahilan bakit hindi na sila sabik sa pagtawag ng kanilang mga magulang ay sapagka’t pare-pareho lang ang naririnig nila sa bawa't tawag. Ayon sa kanila, pagkatapos makipagusap sa lola o sino man ang nagaalaga sa kanila, pinapasa ang telefono sa kanila at ito ang takbo ng usapan:
”Kumusta ka?” “Mabuti po”, “May pera ka pa ba?”, “Opo”, “Kumain ka na ba?”, “Opo”, “Nagaral ka na ba?” “Opo”, “O sige mag-usap uli tayo bukas”.
Anong Say Mo?
- Sa karanasan mong bilang isang Anak ng OFW, naranasan mo rin ba ito?
- Kung ganito rin ang karanasan mo, ano ang nararamdaman mo pag ito ay nangyayari?
- Ano kaya ang pwedeng mong magawa parang ipa alam sa magulang mo na ito ang nararamdaman mo?
- Anu-ano ang mga bagay na gusto mong pagusapn ninyo ng magulang mo kapag tumatawag ito?
- Kung hindi ito ang karanasan mo, ano ang masasabi mo sa mga ibang Anak ng OFW parang ibahin ang takbo ng kanilang usapan sa telepono?
Register and submit your stories to us
--------------------------------------------------------------------------------------------
Subscribe to:
Comments (Atom)