--------------------------------------------------------------------------------------------
“Ito ang Nanay Mo”
Maraming OFW ang nagsasabi na ang celfone ay nakakatulong sa kanila na makipag-alam o mag-connect sa kanilang mga anak. Madalas raw nilang tinatawagan ang kanilang mga anak. Ang iba naman ay nagsasbi na, “araw araw kaming nag-uusap.” Masayang masaya sila, sapagka’t “nakaka connect” sila maski na malayo sila. Para sa kanila, malaking tulong ang celfone sa pagiging magulang nila.
Nguni’t, maraming Anak ng OFW naman ay nagsasabi na hindi na sila naeenganyong makipagusap sa kanilang mga magulang sa celfone, kapag tumawag ito ng galing sa ibang bansa.
Sa mga workshop na para sa mga anak ng OFW na ginagawa ng Migrante Anak at Pamilya Foundation, maraming mga batang nagsabi na ang dahilan bakit hindi na sila sabik sa pagtawag ng kanilang mga magulang ay sapagka’t pare-pareho lang ang naririnig nila sa bawa't tawag. Ayon sa kanila, pagkatapos makipagusap sa lola o sino man ang nagaalaga sa kanila, pinapasa ang telefono sa kanila at ito ang takbo ng usapan:
”Kumusta ka?” “Mabuti po”, “May pera ka pa ba?”, “Opo”, “Kumain ka na ba?”, “Opo”, “Nagaral ka na ba?” “Opo”, “O sige mag-usap uli tayo bukas”.
Anong Say Mo?
- Sa karanasan mong bilang isang Anak ng OFW, naranasan mo rin ba ito?
- Kung ganito rin ang karanasan mo, ano ang nararamdaman mo pag ito ay nangyayari?
- Ano kaya ang pwedeng mong magawa parang ipa alam sa magulang mo na ito ang nararamdaman mo?
- Anu-ano ang mga bagay na gusto mong pagusapn ninyo ng magulang mo kapag tumatawag ito?
- Kung hindi ito ang karanasan mo, ano ang masasabi mo sa mga ibang Anak ng OFW parang ibahin ang takbo ng kanilang usapan sa telepono?
Register and submit your stories to us
--------------------------------------------------------------------------------------------
1 comment:
Bilang isang ina, mahirap talagang makipag-usap sa mga anak sa telephone. Ang dami kong gustong isabi sa kanila, ngunit pag ka nandiyan na sila nawawala na itong mga gusto kong sabihin. Ayaw kong mapaiyak sa harap nila, kaya itinatanong ko na lang sila kung kumusta sila at kumusta ang pag-aaral nila, etc.
Post a Comment