Sunday, October 11, 2009

Longing To Be Close to an OFW Parent Who Is Far Away

-----------------------------------------------------------------------------------------------
Magkalayo man kami, malapit pa rin kami sa isa’t isa

by Maria Caridad H. Tarroja, PhD
Clinical Psychologist, De La Salle University-Manila / PsychConsult, Inc.

Simula’t sapul, ang pamilyang Filipino ay hinahangaan dahil sa pagiging malapit ng bawat miyembro ng pamilya sa isa’t isa (“close family ties”). May mga pagkakataong ang katangiang ito ay kina-iingitan ng mga dayuhan. Sa paglipas ng panahon, sa gitna ng maraming pagbabago sa buong mundo at sa Pilipinas, ang pagpapahalaga ng mga Filipino sa kanilang pamilya ay hindi nawawala. Nananatili ang pagpapahalaga sa pamilyang Filipino sa kabila ng maraming balakid at hamon na hinaharap ng bawat pamilya. Ang pagkakaroon ng OFW sa isang pamilya, magulang man o anak o kapatid, ay isang halimbawa ng hamong kinakaharap ng maraming pamilyang Filipino.

Tunay ngang ang mga OFW ay ang mga bagong bayani ng Pilipinas. Ipinagmamalaki sila ng buong bansa at higit sa lahat ng kanilang pamilyang naiwanan, partikular na ng kanilang mga anak. Pero silang mga anak rin ang nangungulila sa kanilang mga magulang na napakalayo … nangungulila sila sa tuwing sila’y magkakasakit at nagnanasang sana, narito si Nanay para mag-alaga sa akin. Nangungulila ang mga anak na ito tuwing sila ay may activities at programs sa eskwelahan. Higit sa lahat, nangungulila sila sa tuwing sasapit ang espesyal na okasyon tulad ng Christams, birthdays, graduations at iba pang mga mahahalagang bahagi ng kanilang buhay. Bukod sa pangngulila, marami sa mga anak ng OFW ang lumalayo ang damdamin sa kanilang OFW na magulang. Halimbawa na lamang, ang iba ay nagsasabi na “Parang hindi kami close” o kaya naman “hindi nya ako kilala at parang hindi ko na sya kilala”. Ang iba ay nagnanasa na sana “Hindi nya kami iniwan”. Marami rin naman sa mga anak ng OFW ang nagkaroon ng maganda at malapit na relasyon sa kanilang OFW na magulang. Ano nga ba ang iba’t ibang paraan para maging malapit ang anak ng OFW sa kanyang magulang? Ang pagpapanatili ng komunikasyon ay isang paraan para maging malapit ang anak sa magulang, kasama mo man o malayo sa tabi ang magulang. Para sa mga anak na nagnanais na mapalapit sa malayong magulang, ano ang kanilang pwedeng gawin? Ang maikling listahan sa ibaba ay ilan lamang sa mga pamamaraan ng pakikipag-usap sa OFW na magulang:

Emails, YMs, Bloggings: Iba na ang panahon ngayon. Maaari ng makipag-usap ang anak sa magulang na nasa ibang bansa sa pamamagitan ng bagong teknolohiya. Ito ay murang paraan na mapanitili ang komunikasyon. Ang bawat kwento (school events, new friends, new hobbies, even worries and problems) ng anak ay mahalaga at kinasasabikan ng magulang. Ang isang pamilya ay maaring magkaroon ng sarili nilang blogs o kaya website. Napakadali na ring magpadala ng pictures sa email man, blogs, at kung anu-anong mutiply accounts, friendster, face book at iba pa. Maari ring makipag-usap sa pamamagitan ng web cam.

Texts: Ang Pilipinas ay nabansagang text capital of the world. A simple text message (Good morning Mom; I hope you are ok Dad; I love you Mama; Ingat po kayo palagi dyan; Miss ko na po kayo) can certainly make a lonely and tired parent working abroad smile.

Phone calls: Of course, there is nothing like hearing your parent’s voice or speaking to your parents over the phone. This old traditional way works all the time. Setting a regular time a week can spell a lot of difference in keeping that bond stronger.

Letters, postcards: Hindi man ginagawa ng marami sa ngayon, ang pagpapadala ng letter o postcard paminsan-minsan pag may espesyal na okasyon ay makapagpapataba pa rin ng puso ng nalulungkot at nagungulilang OFW.

Audio and video tapes: Ang pagpapadala ng audio at video tapes ay mahalaga rin. Kadalasan pag kinakausap ng anak ang OFW na magulang, ito ay nakasentro sa paghingi ng kung anu-anong pangangailangan, lalo na sa pera. Sa totoo lang, maaari kausapin ang mga magulang para magkwento ng kung anu-ano. Video tapes of school activities, birthday celebrations, graduations can be sent to OFW parents. These tapes can be watched over and over again.

Vacations: Importante din na sa pagdalaw o pagbaksayon ng magulang na magkaroon ng reunion o family vacations. Ang bakasyong ito ay pinaghahandaan. Maaring makibahagi ang anak sa pagpaplano ng bakasyon na ito, e.g., where to go, what to do and bring, etc.

Anumang paraan ang gamitin, importante na mapanitli ng magulang at anak ang pagiging malapit sa isa’t isa sa kabila ng kanilang pagkalayo.

We invite children of OFW to share with us how they stay in touch and maintain their relationships with the parents working abroad.
----------------
Ask questions, share your thoughts, feelings and experiences. Click on "Magtanong Sa Psychologist" or "Magtanong Sa Doktor". Submit your comments and questions on this article by clicking on the word "comments" just below. Stay in touch!

Hindi ka Nag-iisa. One. Filipino. Never Alone.
Return to main site: www.ofwparasapamilya.com
----------------

5 comments:

a dependent spouse said...

Ako po ay tumatawag sa nanay almost every week. Marami kaming pinaguusapan tungkol sa nangyayari sa bahay, sa school atbp. Nguni't ang hindi ko lang masabi sa kanya ay minsan pagod na ako. Kasi ho, ako ang panganay at ako ho ang nag aalaga ng lahat ng kailangan ng aking mga kapatid. Mahal ko po ang aking ina at aking mga kapatid, nguni't minsan ho ay parang may galit rin ako sapagka't wala na rin akong magawang iba. Madalas akong makasama sa aking mga kaibigan.

ofwparasapamilya said...

Hi Carmela,

Una, nais kitang batiin, wika nga "Congratulations for being a good and responsible daughter!" Totoo na minsan nakakapagod rin ang maging naatasang tagapag-alaga hindi lamang ng iyong mga kapatid kundi ng mga bagay-bagay sa bahay. Hindi ka nag-iisa sa iyong nararanasan at nararamdaman sa ngayon.

Bahagi ng "healthy communication with people we love" ay maging bukas at totoo, honest wika nga. Ang pagiging honest ay mahalaga. Maaring iniisip mo na ayaw mo na bigyan ng problema o ng isipin ang nanay mo. Pero sya ay nanay mo at maiintidihan nya na minsan o madalas napapagod ka na. Ang pag-amin na ikaw ay napapagod ay maaaring makagaan sa iyong nararamdaman sa ngayon. Ano mang bagay o damdamin na hindi natin ilabas ay maghahanap ng paraan para makalabas sa loob natin. Minsan ang simple sama ng loob ay nagiging GALIT. Malayo man sya sa iyo physically, sya pa rin ang iyong nanay na nakakaunawa sa iyong nararamdaman at nararanasan.

Carmela, kailangan mo ring alagaan ang iyong sarili. Importante na gawin mo rin ang mga bagay na magpapasaya sa iyo, lumabas kasama ang mga kaibigan mo, manood ng sine paminsan-minsan, mag-malling. magpamasahe at kung anu-ano pa. Napakahalaga rin ng pakikipag-usap sa kaibigan o kamag-anak.

Sumasaiyo,
Caring Tarroja
Clinical Psychologist

a dependent spouse said...

Nang umalis ang nanay ko, hindi ko malaman kung masaya ako o malungkot. Ngayon na matagal na syang wala alam ko na malungkot ako. Mayroon syang pinadalang picture ng kanyang mga inaalagaan, malungkot ako noong nakita ko yun, naisip ko ang swerte nila!

ofwparasapamilya said...

Hi Kiko,

Napakahirap talaga na mawala ang nanay sa araw-araw na pamumuhay ng isang anak. May isang katulad mong nagsabi na para sa kanya "nawala and ilaw" ng kanilang tahanan ng umalis and kanyang ina upang magtrabaho sa ibang bansa.
Ang nararamdaman mong lungkot at inggit ay normal at karapat dapat. Nguni't huwag mong kimkimin itong mga nararamdaman mong ito, ipaalam mo sa iyong ina na ito ay nararamdaman mo. Siguro malulungkot siya pag narinig niya ito, nguni't kailangan maisabi mo ito sa kanya. Siguro pag naisabi mo ito sa kanya, maisasabi rin niya sa iyo na siya rin ay nalulungkot na hindi ka niya naaalagaan.
Napakalaki talaga ang sacripisyong pinag-titiisan ninyong mag-anak, at napakahirap ring pagusapan itong damdaming ito. Salamat sa iyong pagsulat! Lakasan mo ang iyong loob, Kiko!

Sumasaiyo,
Regina Diaz Goon
Psychologist

gemini said...
This comment has been removed by the author.
 
Web Design by WebToGo Philippines