-----------------------------------------------------------------------------------------------
How You, as a Child, Can Still Help Fulfill Your Family's Dreams
When your father or mother left to work abroad, you may have been very sad about this. Sinabi siguro nila na ginagawa nila ito parang makatuloy ka sa iyong pag-aaral, parang magkaroon na kayo ng iba’t ibang mga kailangan ninyo, at upang makapagpatayo na kayo ng inyong sariling tahanan. Naintindihan mo ito, nguni’t malungkot ka pa rin.
Nang nasa abroad na ang nanay o tatay mo, nakita mo na mayroong perang pinapadala ito buwan buwan. Naintindihan mo na ang ibig sabihin ng “padala”. Nakita mo na marami nang nabibili at nagagawa ang pamilya mo dahil dito sa padala ng nanay o tatay mo. Marami ka ring mga laruan o kagamitan na gustong ipabili. Siguro, nabibigyan ka rin ng mas malaking pabaon.
Naiintidihan mo siguro na ito ay pagkakataon na parang matupad ang mga mithiin ninyong mag-anak. Nakikita mo ang paghihirap na dinadaanan ng nanay o tatay mo para lang makamtan ninyo ang mas mabuting kinabukasan.
However, sometimes, you tend to forget these dreams and the hardships your mother or father are going through. You get carried away with spending the money they send you for things like clothes, DVDs, cell phone etc. If you want to help your parents fulfill the dreams they have for you and your family, you actually can, in your own special little way.
Ngayon sa kalagayan ng economia ng mundo--na maraming tao ang nawawalan ng trabaho--mas importanteng isipin ng masinsinan kung papano kayo makakatulong sa inyong mga magulang. Kailangan ring isipin at ihanda ang sarili "just in case" mawalaan ng trabaho ang inyong magulang.
Sumali kayo sa usapan ng pamilya, mag bigay kayo ng mga paraan na makakatulong sa pag-iimpok ng padala. Huwag ninyong isipin na "maliit lang naman ang maitutulong ko", sapagka't sa mahirap na panahon, "every little bit counts". Think of ways to make your own allowance stretch. Siguro kailangan gumawa ng listahan ng mga pangungunang kailangan (priorities), katulad ng pamasahe papuntang eskwelahan, mga kailangan sa eskuwela at bigyan ito ng priority. Yung ibang mga kinasanayan katulad ng pag-kain sa labas o magshopping sa mall kasama ng mga kaibigan ay maaring iwasan na muna.
Sa paraan na ito, maipapakita sa mga magulang ninyo na naiintindihan ninyo ang situasyon. Mararamdaman rin nila na kasama kayo sa paghabol at pagpapatupad ng mga mithiin ninyong pamilya.
---------------
What do you think of this article? Click on the word "comments" just below. Ask questions. Click on Magtanong sa Doktor or Magtanong sa Psychologist. Share your thoughts, feelings and experiences. Stay in touch!
Click here to set an appointment with the psychologists and doctors on our website.
Click to return to website: www.ofwparasapamilya.com
---------------
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
Comment ko po,tama pong mga sadgestion nyo para sa mga anak na nakakatanggap ng pera mula sa kanilang mga magulang na nag tatrabaho sa ibang bansa.Malaking maitutulong ng article na ito,kung mababasa nila ito.Sapagkat napapaloob dito ang magandang pamamaraan,kung paano sila makakatulong sa kanilang mga magulang na nag papakahirap mag trabaho sa malayong lugar.At sana ay mabigyan nilang pansin ang mga bagay na ito.Ng sa ganon ay hindi basta na lang nila gagastusin ang perang ipinadadala sa kanila.Lalo na sa ngayong panahon ng GLOBAL ECONOMIC CRISIS.
Post a Comment